Taus-puso ang ipinaabot na pasasalamat ni Mayor Bong Tarin sa mga tao at ahensyang nagbigay-daan upang maisakatuparan ang implementasyon ng ABACA REHABILITATION PROGRAM dito sa Probinsya ng Catanduanes. Ipinaabot niya ang pasasalamat sa ating butihing Gobernador Joseph C. Cua na siyang humingi ng pondo sa Department of Labor and Employment. Sa 20 million na na grant ng DOLE para sa Probinsya, mahigit 1.9 million ang napuntang alokasyon para sa Bayan ng Viga. Ang nasabing halaga ay nakapagbigay trabaho sa 351 Viganon na ang tanging hanapbuhay ay ang pag-aabaka.

Ipinaabot din ng alkalde ang pasasalamat sa Provincial Agriculture’s Office, PhilFida, PLGU, at DOLE na silang mga ahensyang naging katuwang sa implementasyon ng nasabing programa.

Ang 351 beneficiaries ng programang ito ay nakatanggap ng Personal Protective Equipments (PPE’s) at tig-isang piraso ng itak (bolo). Sa loob ng 15 days nilang pagtatrabaho ay makakatanggap sila ng P5,475.00 bawat isa.