Dahil sa walang humpay na pag-ulan, agarang nagpadala ng tulong ang ating butihing Mayor Tarin sa lugar kung saan sadyang naapektuhan ng pagbaha. Sa ngayon patuloy pa rin ang paghatid ng ayuda sa iba pang Barangay ngunit pansamantalang naantala ang pagdala dahil sa baha at landslide sa mga daanan. Iniutos na rin ng ating alkalde ang pag evacuate sa mga kababayan nating nasa high risk areas. Salamat MSWDO Carmel Antonio Eubra sa agarang tugon maging sa asistensya ng ating PNP.