Ito ang naging agarang aksyon ng ating gobyerno sa naging panawagan ni Almojuela Barangay Captain Domingo Mabborang. Aniya ni kapitan, dahil sa walang tigil na pag-ulan, labis na naapektuhan ang kanyang mga ka-barangay hindi lamang sa kakulangan sa pagkain kundi maging sa mapagkukunan ng hanapbuhay. Matatandaan na na-isolate ang nasabing Barangay nung kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan na nagdala ng matinding pagbaha sa nasabing lugar. Dagdag pa riyan ang pag-apaw ng tubig sa kanilang spillway na siyang naging dahilan kung bakit hindi makadaan ang mga residente. Una nang nagpadala ang ating lokal na gobyerno ng Viga ng karampatang tulong sa lugar at sinundan pa ito ng tulong mula naman sa probinsya na pinadala ng ating butihing gobernador Joseph Cua. Ngayon, muling nagpadala ang ating DSWD sa pamamagitan ni Regional Director Arnel B. Garcia ng food packs para parin sa nasabing barangay. Ito ay personal na inihatid ng ating butihing Mayor Bong Tarin sa mga residente ng Barangay Almojuela. Salamat din sa ating MSWDO Mam Carmel Eubra sa kanyang malawakang koordinasyon para mahatiran ng tulong ang higit na nangangailangan nating mga kababayan.Sinabi rin ng ating alkalde Tarin na laging nakaantabay ang LGU-Viga sa mga pagtulong at pagbigay serbisyo sa bawat Viganon.